Pampamahalaang
Pamantasan ng Mariano Marcos
KOLEHIYO
NG EDUKASYONG PANGGURO
Lungsod
ng Laoag
MASUSING
BANGHAY ARALIN SA
PAGTUTURO
NG FILIPINO BAITANG 7
Setyembre
2012
Inihanda
ni:
SHERYL
A. DOMINGO
Ipinahanda
ni:
PROF.
LILYBETH C. AGNO
Isang Masusing
Banghay-Aralin
sa Filipino Ikapitong Baitang
- Mga Layunin
Matapos
mailahad ang iba’t ibang bahagi ng tula, ang mga mag-aaral sa
ikapitong baitang ay inaasahang:
1.
mabasa nang malakas at madamdamin ang bahagi ng tula;
2.
maibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng context clue;
3.
makasagot sa mga tiyak na tanong tungkol dito;
4.
masuri ang tula at matukoy ang mga sangkap na nagamit dito;
5.
mabigyang halaga ang kasiningan at kabuluhan ng tulang binasa ayon sa
pansarili; at
6.
makabuo ng isang payak at masining na paglalarawan.
- Paksang Aralin
Kasanayan: Pagsusuri
sa Tula
Lunsaran: Salamin ni
Assunta Cuyegkeng
Mga Sanggunian: Internet, Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Filipino
sa Baitang 7
Mga Kagamitan:
salamin (mirror), tsart, litrato ng bawat mag-aaral noong bata pa
sila at ang
pinakabagong litrato nila
Teknik sa
Paglinang Komprehensyon: Ugnayang Tanong Sagot
Iba Pang Teknik na Gagamitin: Fish
bone organizer
- Bago BumasaGawaing Guro Gawaing Mag-aaral
- Pagganyak
Mayroon
akong inihandang salamin.
Sino
ang may gustong tumingin sa
kanyang
sarili sa salamin?
Ma’am!
(Magtataasan ng mga kamay
ang mga mag-aaral)
Ok,
Mark!
(Kukunin
ni Mark ang salamin.)
Ngayon
Mark, maaari mo bang ilarawan
ang
sarili mo base sa nakikita mo sa salamin?
Matangos po ang
aking ilong, makinis ang aking balat sa mukha, katamtaman lang ang
laki ng aking mga mata, ma’am.
Magaling
Mark!
Sino
pa ang may gustong maglarawan
sa
kanyang sarili?
Ma’am!
Ok,
Gelie!
Base po sa aking
nakikita sa salamin, katamtaman ang laki ng aking ilong ganoon din
ang aking mga labi ngunit manipis ang aking kilay, ma’am.
Magaling
din, Gelie!
Hindi
ba’t mayroon tayong iba’t ibang
taglay
na hugis sa ating katawan?
Opo,
ma’am!
Sino
pa ang may gustong magbahagi?
Oops!
Nararamdaman ko na may gusto
kang
ibahagi Annei?
(Titingin sa
salamin) Ako po’y kulot ngunit cute
dahil ako’y maliit gayon din ang aking mukha.
Cute
ka nga Annei!
Hindi
man tayo cute,
lahat naman tayo’y
magaganda’t
gwapo.
Sang-ayon
ba kayo?
Opo,
ma’am!
Ano
naman ang gamit ng salamin sa atin?
Jessa?
Ma’am para sa
akin, importante ang gamit nito. Dito ko makikita ang aking pisikal
na taglay.
Mahusay,
Jessa!
Mayroon
bang karagdagan, Gen?
Ma’am bawat
indibidwal ay mayroon nito, kaya masasabi ko na isa ito sa mga
gamitin ng tao. Kung ako po, dito ko tinitingnan ang aking nais na
makita sa aking sarili. Kung ako ba’y maayos o hindi.
Napakahusay,
Gen!
Ngayon
naman, basahin natin ang isang tula.
Alamin
natin kung paano ginamit ng may-akda ang
salamin
para mailarawan ang kanyang sarili.
2. Paghawan ng
Balakid
Ngunit
bago natin ito basahin, linangin muna
natin
ang mga salitang mahirap maunawaan na
nakapaloob
sa tula.
Basahing
mabuti ang bawat pangungusap.
Mayroong
mga ginulong titik sa ibaba nito na
kasingkahulugan
ng nasalungguhitan. Kapag naaayos na
ang
mga titik ay maaari nang ilapat sa inihanda kong
cross-word-puzzle.
- Nagkaroon ng pekas si Maria dahil sa kanyang
sabong pampaputi.
- tmaans gn khaum - mantsa ng mukha
2.
Ang dibdib ko’y kumakabog
tuwing nakikita
ko
ang aking crush.
- nbakaaikahn -kinakabahan
3.
Mahalaga sa akin ang aking mga mangingibig.
- halmmagnaa -nagmamahal
4.
Lumalaki ang kanyang mga mata, sisipatin
niya
ang
aking mukha.
- gmapasadma -pagmamasdan
5.
Ang kanyang ilong ay retoke.
- keep -peke
6.
Ang mga magkakaibigan ay nagmamasid
sa
sakahan.
- ngaitiitt -tititigan
7.
Tatapatan
niya ako ng baril.
- aaahipnrh -haharapin
3.
Pagbibigay ng Pangganyak na Tanong
Bago
pa man din simulan ang pagbabasa
sa
tula, mayroong mga tanong sa pisara na magiging
gabay
ninyo sa pagbabasa.
Pansinin
ang mga salitang “titingin,”
“magmamasid”
at “sisipatin”. Ano ang
pagkakaiba
ng bawat isa? Bakit ang mga ito ang
ginamit
na salita sa akda?
B.
Habang Bumabasa
- Unang Pagbasa sa Tula
Ngayon,
mayroon akong kopya ng akdang
“Salamin”
na nakasulat sa manila paper. Hayaan
muna
ninyong ako ang unang bumasa sa tula nang
malakas
at madamdamin upang madama natin
ang
gustong ipahiwatig nito.
(Babasahin
ng guro ang tula sa harap
ng
klase)
2.
Ikalawang Pagbasa sa Tula
Ngayon,
nabasa ko na ang tula. Bibigyan ko
naman
kayo ng pagkakataon upang basahin ito.
Ang
unang saknong ay babasahin ng unang pangkat.
Ang
ikalawang saknong ay para sa ikalawang pangkat.
Ang
ikatlong saknong ay para sa ikatlong pangkat.
At
ang pang-apat ay para sa huling pangkat.
Basahin
ito nang malakas at madamdamin.
(Babasahin ng mga
mag-aaral ang tula.)
3.
Pagtatalay-Estetiko
Alam
kong hindi na bago sa inyo ang tula.
Ano
na nga ba ulit ang pinakamahalagang sangkap
ng
tula?
Ang dalawang
pinakamahala-gang sangkap ng tula ay ang sukat at tugma, ma’am.
Tama.
Ano ba ang tinatawag na sukat ng tula?
Ang sukat ang siyang
tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod ng tula.
At
sa mga tradisyunal na tula, ang sukat ay
maaaring
aanimin, pipituhin, wawaluhin, lalabing-
dalawahin,
lalabing-animin o lalabing-waluhin.
Ngunit
sa kasalukuyan, palasak ang tulang mala-
yang
taludturan o ang tulang walang isinasaalang na
bilang
ng pantig sa taludtod. Ang mga tradisyunal na
tula
ay may sesura. Ano na nga ba ulit ang tinatawag
na
sesura?
Ang sesura ay ang
bahagyang pagtigil sa pagbasa o pagbigkas ayon sa hinihingi ng diwa
sa isang taludtod.
Magaling.
Sa tulang may sukat na lalabing-
dalawahin,
ang sesura ay bumabagsak sa ika-6 na
pantig.
Ano naman ang ikalawang sangkap?
Ang ikalawang
sangkap po ng tula ay ang tugma.
Ano
ba ang tugma sa isang tula?
Ang tugma po ay
tumutukoy sa pagkakasintunugan ng huling salita ng mga taludtod.
Magaling.
Mayroon ding dalawang uri ng
tugma
sa patinig, ang tugmang ganap at tugmang
karaniwan.
Ano ba ang pagkakaiba ng dalawa?
Sa tugmang ganap po
ay magkasintunog at magkakatulad ang diin at tuldik sa huling pantig
ng dulong salita ng bawat taludtod samantalang sa tugmang karaniwan,
ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakatulad
ng tunog ngunit magkakaiba sa diin.
Mayroon
ding tinatawag na tugmang katinig
sa
panulaang Filipino at ito’y nahahati sa dalawang
pangkat.
Ang una ay binubuo ng mga katinig na b,
k,
d,
g, p, s,
at
t at
ang mga ito’y magkakasintunog ayon
sa
patinig na nasa unahan. Ang ikalawang pangkat
naman
ay binubuo ng mga katinig na l,
m, ng, r, w, at
y
at
magkakapareho ang tunog ayon sa patinig na nasa
kanilang
unahan.
Mayroon
din tayong tinatawag na larawang
diwa.
Ano na ba ulit ito?
Ang larawang diwa ay
katumbas ng imagery
sa
ingles. Ito ang salitang nakapaloob sa tula na kapag binabanggit ay
nag-iiwan ng mga tiyak na larawan sa kaisipan.
Tama,
pinapatalas din ang ating iba’t ibang pan-
dama;
pang-amoy, paningin, pandinig, panlasa at
pandamdam.
Ngayon
presko na ang inyong kaalaman tungkol
sa
mga sangkap ng tula. Hindi na tayo mahihirapan para
suriin
ang tula ni Assunta
Cuyegkeng
na “Salamin”.
Ang
tula bang ito ay ginagamitan ng sukat at tugma?
Hindi po ito
ginagamitan ng sukat ma’am. Ito po ay malayang taludturan ngunit
mayroong tugmaan.
Tama!
Tingnan naman natin ang mga linyang ito
sa
tula.
Walang
kurap siyang titingin sa akin,
itong
kakambal ko sa salamin.
.
.
.
pag-aaralan
pati ang mata kong
kape
pala ang kulay, hindi itim.
Ngayon,
anong uri ng tugma mayroon ang dala-
wang
linyang ito?
Ang uri po ng
tugmang nagamit sa unang nailahad ay tugmang ganap.
Bakit
tugmang ganap?
Ito po ay maiuuring
tugmang ganap sapagkat ang huling pantig ng dulong salitang “akin”
at “salamin” ay magkasintunog at magkatulad ang diin at tuldik.
Magaling.
Sa pangalawa naman. Anong uri ng
tugma
ito?
Ang uri ng tugma sa
ikalawang nailahad ay maiuuring tugmang karaniwan. Sapagkat ang
huling pantig ng dulong salitang “kong” at “itim” ay
magkatulad sa tunog ngunit magkaiba sa diin.
Tama,
ang “kong” ay binibigkas nang mabilis
samantalang
ang “itim” ay binibigkas nang mabagal.
Tingnan
naman natin ang linyang ito .
.
.
.
Dito
nagtatago ang aking mangingibig,
ina
at ama, anak, kapatid,
.
.
Anong
uring tugma ang ginamit sa mga linyang
ito?
Ginamit po rito ang
tugmang katinig dahil ang mga huling dulo ng letra ng salita ay “g”
at “d” kung kaya’t ang mga ito’y magkasintunog ayon sa
patinig na nasa kanilang unahan, ang patinig na “i”.
Tama.
Ang mga pantig “ig” at “id” ang siyang
tinutukoy
sa bahaging ito.
Ano
naman ang larawang diwa sa tula?
Ang mabubuo ko pong
larawang diwa o imahe sa tula ay ang hitsura ng persona.
Magaling!
John.
4.
Ikatlong Pagbasa sa Tula
Sadya
ngang napakaganda ang isang tula kung
ginagamitan
ng tugma . Ito man ay malayang taludturan
makikita
pa rin natin ang larawang diwa.
At
muli, upang mabigyang-buhay ang pagtanggap
natin
sa tula at marinig ang kagandahan nito ay sabay-
sabay
ninyong basahin nang madamdamin ang tula.
( Babasahin ng mga
mag-aaral nang sabay-sabay ang tula)
C.
Pagkatapos Bumasa
- Pagtatalakay sa Binasa
Nabasa
na nga ninyo nang mahusay ang tula
at
upang mas maganda ang ating talakayan, gumamit
tayo
ng isang istratehiyang magpapatalas sa antas ng
kakayahan
ninyo sa pagsagot ng mga tanong sa pag-
unawa
sa pamamagitan ng isang sistematikong pagsu-
suri
ng mga tanong. Ang tinutukoy kong istratehiya
ay
ang “Ugnayang Tanong Sagot.”
(Ipapakita
ng guro sa pisara ang halimbawa ng
UTS
na modelo)
Sa
istratehiyang ito ay may dalawang kategorya
ang
tanong at ang mga ito ay “Nasa Aklat” at “Nasa
Isipan.”
Ang bawat kategorya ay mahahati pa sa dalawa,
sa
hanay ng “Nasa Aklat” ay ang “Nasa Teksto Mismo”
at
“Isipin at Hanapin” samantalang sa hanay ng “Nasa
Isipan”
ay ang “Ikaw at ang Awtor” at “Sa Aking Sarili”.
Ngayon
ay bibigyang-eleborasyon muna natin ang mga
ito
nang kaunti. Papaano nga ba natin matutukoy ang
mga
sagot sa isang tanong kung ito ay “Nasa Teksto
Mismo?”
Kapag ang sagot po
ay nasa teksto at madaling hanapin, ma’am.
Magaling!
Ang mga salitang ginamit sa tanong
at
ginamit sa pagsagot ay nariyan mismo sa teksto.
Paano
naman ang pagsagot sa hanay ng “Isipin at
Hanapin?”
Ang sagot naman po
ay nasa teksto ngunit kailangan mong pag-ugnay-ugnayin ang iba’t
ibang bahagi ng kwento para makita ang kasagutan nito.
Tama.
Samantalang sa “Ikaw at ang Awtor”,
wala
sa teksto ang sagot. Kailangang gamitin ang dating
kaalaman
at kung ano ang sinasabi ng awtor sa teksto
at
pag-uugnayin ang dalawang ito. At ang panghuli,
“Sa
Aking Sarili”, paano naman kaya ito?
Wala rin sa teksto
ang sagot, ma’am. Masasagot lamang ang tanong gamit ang
pansariling karanasan.
Tama
kayo sa mga naging kasagutan ninyo.
Ngayon
mayroong na kayong kaalaman tungkol sa pag-
kakaiba
ng mga kategoryang ito. Dumako na tayo sa pag-
sagot
sa mga katanungan ko kanina. Ano ang pagkakaiba
ng
mga salitang “titingin”, “magmamasid”, at “sisipatin”
sa
tula?
Mayroon pong
pagkakaiba ang mga salita. Ang kahulugan po ng titingin ay sulyap
lamang. Ang sisipatin naman po ay sisilipin, samantalang ang
magmamasid ay tumatanaw.
Mahusay!
Saan kaya natin maaaring ihanay ang
naging
tanong sa mga naibigay na kategorya? At paano
nakuha
ang sagot?
Ito po’y nasa
hanay na “Ikaw at ang Awtor” sapagkat ang naging sagot po ay wala
sa teksto ngunit nabuo ito sa sariling isipan mula sa ideya ng tula
na inilahad ng teksto at mula na rin ito sa dating kaalaman.
Oo,
tama. Bakit naman kaya ito ang ginamit na
mga
salita?
Ito ang ginamit na
mga salita para magkaroon ng kaibahan. Maaaring maipahayag sa ating
mga mambabasa ang wastong paggamit sa mga salita.
Tama.
Saan naman kaya ihahanay ang
tanong?
Naihahanay pa rin po
ito sa
“ Ikaw at ang
Awtor”.
Magaling!
Sino naman ang nakita sa salamin?
Ang nakita po sa
salamin ay ang kanyang kakambal.
Oo.
Saan naman maihahanay ang katanungan?
Ito po’y maihahay
bilang nasa kategoryang “Nasa Teksto Mismo.” Sapagkat ang naging
sagot ay tuwirang nakalahad sa teksto at ang impormasyong nabanggit
ay galing pa mismo sa binasa.
Oo.
Bakit naman kaya kakambal ang turing
niya
dito?
Kakambal po ang
turing niya rito dahil sarili niya mismo ang nakikita niya sa
salamin.
Magaling.
Sa anong kategorya naman natin
maihahanay
ang tanong?
Ito po ay nasa hanay
na “Isipin at Hanapin” dahil ang sagot po ay nasa teksto mismo
ngunit pinag-ugnay-ugnay po ang mga ideya sa tula para makita ang
tamang sagot na sarili niya mismo.
Tama.
Bakit hindi niya itinuring na “ako”
ang
kakambal niya?
Hindi niya itinuring
na “ako” ang kakambal niya dahil isa ito sa mga teknik na ginamit
sa tula. Para magkaroon ng buhay at larawang diwa ng tula.
Magaling.
Sa anong kategorya ito maihahanay?
Sa kategoryang “
Ikaw at ang Awtor” po ma’am.
Oo.
Ano naman ang ibig sabihin ng dibdib na
kumakabog?
Natutulog?
Ang ibig sabihin po
ng dibdib na kumakabog ay parang tumutunog nang malakas at ang
natutulog po ay walang tunog.
Oo.
Kailan naman kumakabog/natutulog ang
ating
dibdib?
Kumakabog po ang
aking dibdib kapag ako’y natatakot. Natutulog naman po ito kapag
kampante ako sa aking sarili.
Tama.
Sa anong kategorya ito maihahanay?
Sa kategoryang “Sa
Aking Sarili” sapagkat ang mga nailahad na kasagutan ay wala ng
kinalaman sa mga pangyayari sa tula.
Magaling.
Ano ang nagtatago sa dibdib ng
persona?
Ang nagtatago po ay
ang kanyang mangingibig.
Oo.
Sa anong kategorya ito maihahanay?
Ang kategoryang sa “
Teksto Mismo.”
Ano
naman ang halaga ng salitang “nagtatago?”
Ang halaga po ng
salitang nagtatago ay para maipahayag na lingid itong naipapakita
kapag siya ay nananalamin.
Tama.
Saan maihahanay ang tanong?
Ang kategoryang
“Ikaw at ang Awtor.”
Oo.
Babae ba o lalaki ang persona at ilang
taon
na kaya siya?
Ang persona po ay
isang babae na may edad 30-40 dahil naisasaad sa tula na mayroong
“anak,” “linya,” “pekas” ang persona. Nakilala ko po
siyang babae dahil nailantad sa tula ang salitang “retoke.”
Tama.
Kaya ang tanong ay maihahanay sa “Ikaw
at
ang Awtor.”
Ngayon
batay sa inyong mga kasagutan, anong
salamin
kaya ang tinitingnan ng persona?
Ang salamin po na
tinitingnan ng persona ay katumbas sa salitang ingles na mirror.
Magaling!
Sa anong kategorya ulit ito maiha-
hanay?
Sa kategorya po ng
“Isipin at Hanapin.”
Talagang
mayroon na kayong magandang
sandigan
upang mapataas pa ang antas ng inyong kaka-
yahan
sa pagsagot ng mga tanong sa pag-unawa sa
pamamagitan
ng inyong pagsagot. At ngayon, gamit ang
isang
fishbone
organizer
, magbibigay kayo ng mga
salitang
nagpapatunay na mirror
ang ginamit sa tula.
Ang
mga salitang ito ay makikita sa teksto mismo.
- Pagpapayamang Gawain
Suriin
ang inyong mga sarili. Tingnan
at
suriin ang inyong batang larawan at maging ang
pinakabagong
litrato na inyong dala. Sumulat ng
isang
talatang naglalarawan ng mga pagbabagong
mapapansin
ninyo sa inyong sarili.
Pagkatapos,
sa inyong pangkat, magbabahagian
kayo
ng isinulat. Ang bawat pangkat ay binubuo ng
apat
na katao.
Tatawag
ako ng ilang pangkat upang ibahagi
sa
klase ang kanilang napag-usapan.
Ipasa
ang mga talatang naisulat.
Masayang
naglalaro, walang
problema, ito ang nakita ko sa aking
batang
larawan. Nakangiti ako sa bisig ng aking ate. Tuwang-tuwa sila sa
aking mga kilos kaya naman lagi nila akong binubuhat. Wala akong
pakialam noon kahit na wala akong saplot at kahit na nakatingin lahat
ng tao sa aking katawan. Malaya akong gumawa ng mga pambatang gawain.
Samantala,
sa litrato ko ngayon ay mayroon na akong mga tigyawat. Tigyawat na
naglalarawan ng pagod, puyat, stress,
depression
at kung anu-ano pang dahilan. Pihikan na rin ako pagdating sa mga
damit. Gusto ko iyong katamtaman lang sa aking katawan, hindi bulgar
at maayos tingnan kapag isinuot ko. Limitado na rin ang aking
paggalaw at asal-dalaga na ako.
- Takdang Aralin
Bilang
kaugnay sa ating naging liksyon sa araw
na
ito, ibibigay ko bilang takdang aralin ang paggawa
ninyo
ng tulang may malayang taludturan ngunit
ginagamitan
ng tugma at mayroong larawang diwa.
Ang
tema ng tulang inyong gagawin ay tungkol
sa
pagretoke ng mga tao.