Tuesday 26 February 2013

Ed. Tech. 2


Aralin 1:                                  Titser (Kabanata 1) ni Genoveva Edroza-Matute
Kasanayang Pampanitikan:  Pagsusuri Batay
sa Teoryang Humanismo
                                                Tatlong Araw sa Isang Linggo

                 Paglalahad ng mga
Katanungan:                            
Ang pagiging guro ay sinasabing pinakamahirap ngunit siyang maituturing na tinatangi sa lahat ng propesyon. Pagsisikap at sakripisyo ang isinasaalang-alang ng bawat guro sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin. Subalit, bakit kaya may ilang taong nangmamaliit ng kursong pagiging guro? Makatwiran nga bang ituring ang pagiging guro na isang trabahong alipin?



Mga Layunin:                          Sa pagbabasa ng kuwentong ito ni Matute, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.      naipaliliwanag ang mensahe ng napanood na video clip;
2.      naibibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap;
3.      nababasa ng akda mula sa web resources;
4.      nasusuri ang akda batay sa teoryang Humanismo;
5.      nasusuri ang mga tauhan sa akda batay sa katangian, damdamin at saloobin ng mga ito;
6.      nakalilikha ng tula na nagpapakita ng kanilang pagpapahalaga sa bawat guro; at
7.      nakapagsasaliksik ng ibang kaisipan batay sa paksang ibinigay sa pamamagitan ng pakikipanayam.



Mga Teknolohiyang
Kakailanganin:                        Ang mga sumusunod na teknolohiya ang kinakailangan para sa aralin:
            \
1.      kompyuter o sariling laptop para mabasa ang teksto mula sa ibinigay na web resources.
2.      mga kagamitan sa pagpapanood at pagpepresenta (LCD projector at speaker) at sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral.


Rationale sa Paggamit
ng ICT:                                    Ang mga kagamitang ICT ay ginagamit sa pagtuturo ng kwentong “ Titser” (Kabanata1) ni Genoveva Edroza-Matute, para sa mga sumusunod na kadahilanan:
           
1.      maakay ang interes ng mga mag-aaral na makinig at makibahagi sa talakayan;
2.      mas madaling mahanap ng mga mag-aaral  ang tekstong babasahin sa pamamagitan ng internet;
3.      nakakatulong ito upang malinang at mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral;
4.      malinang sa bawat mag-aaral ang kooperasyon at pakikisalamuha sa kanilang kamag-aral sa pamamagitang ng pakitang gawain; at
5.      malinang ang kakayahan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aaral at masanay sila sa paggamit nito.


Estratehiya sa
Pagpapatupad:            (Sa pagtatalakay sa aralin, magpagawa ng sariling folder ng mga mag-aaral sa desktop na siyang gagamitin nila sa kanilang mga gawain.)


Paglalakbay  

Sa pagsisimula ng aralin, ipapanood ang isang video clip na pinamagatang “Make A Difference” sa mga mag-aaral. Akayin ang interes ng mga mag-aaral na panoorin itong mabuti. Magbigay ng mga panubaybay na tanong sa mga mag-aaral habang sila’y nanonood upang magkaroon na sila ng mga gabay na katanungan

Pag-uugnay   

Magsimulang talakayin ang tungkol sa pinanood na video clip. Sa mga ibinigay na katanungan bago sinimulan ang panonood, akayin ang interes ng mga mag-aaral upang makibahagi sa ginagawang talakayan. Himukin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sariling saloobin at reaksyon hinggil sa pinanood at kung anong ang mensaheng nais ipabatid nito.

Data Processing        
           
Paghawan ng Balakid

Sa puntong ito, hahatiin ang klase sa apat na pangkat na may tig-lilimang miyembro. Magkakaroon ng laro ang mga mag-aaral. Tatawagin itong “Buuin Mo Ako!”. Ibibigay ng mga mag-aaral ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa pangungusap sa pamamagitan ng pag-aayos sa mga ginulong letra.
Tingnan ang nailakip na Gawain 1A at 1B.

Paglalahad

Ipabasa ang akdang, “Titser” (Kabanata1) ni Genoveva Edroza-Matute sa mga mag-aaral. Babasahin nila ang kopya ng kwento sa internet sa pamamagitan ng sumusunod na web resources.


Pagtalakay

Matapos basahin ang akda, magbibigay ng mga katanungan ang guro hinggil dito. Sasagutan ng mga mag-aaral ang inihandang gawain at ang kanilang kasagutan ay ipadadala nila sa pamamagitan ng kanilang email-address. Pagkatapos, talakayin ang teksto upang lalo nilang maunawaan ang kwento.

Tingnan ang nailakip na Gawain 2A at 2B.

Pagpapayamang Gawain

Sa bahaging ito, magpagawa ng tula ang mga mag-aaral na nagpapakita ng pagbibigay halaga nila sa kanilang guro. Gagawa sila ng limang saknong ng tula na may sukat at tugma at may apat na taludtod sa bawat saknong. Pagkatapos, gagawan nila ito ng isang video gamit ang movie maker at iprepresenta ito sa klase.
Pagkatapos ay magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang komento tungkol sa ginawa ng bawat grupo.


Pagdaong

            Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga natutunan tungkol sa tinalakay na aralin at sa mga gawaing kanilang ginawa.
           

Student
Assessment                 Ang mga mag-aaral ay may susunding pamantayan:

Multimedia Presentation                                             25%                            
Interaksyon/ Partisipasyon                                          35%                            
Mga Gawaing Sulatin                                                 25%
Pansariling Repleksyon                                               15% 
                        Total                                                   100%    


Repleksyon at
Mungkahi:                               Sa presentasyon gamit ang multimedia presentation, maaaring gawin ito gamit ang powerpoint presentation bilang pamalit kung walang Movie Maker application. Igawan din ng rubric ang presentasyon gamit ang powerpoint at ipaliwanag ito sa mga mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay malaya ding i-upload ang ginawa nilang video sa Youtube.com.
                                   
Ang mga mag-aaral ay kailangang magpasa ng mga ginawa nilang presentasyon at i-save ito sa compact disk (CD).                       


                Inihanda nina:                                          
ASUNCION, MARITES
DOMINGO, SHERYL
RIETA, ADELYN
          BSE III-A
GAWAIN 1 A

Panuto: Ibigay ang mga kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa loob ng   pangungusap sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ginulong letra.

1.      Hindi naikubli sa paningin ng matanda ang

T A N A G I O
 
waring walang nadaramang pagod o hirap
ang anak.

2.     

L A A L A
 
Bumabalik sa gunita ni Aling Rosa ang mga
natupad na pangarap sa pagpapalaki sa
kanyang anak.


L I T K A A P
 

3.      Tila may kasiyahan, walang kahulilip ang
nararamdaman ni Anita sa pag-uwi niyang iyon.

4.     

G I N R E E K R A L O M
 
 Naghihimutok si Aling Rosa dahil sa kursong
kinuha ng kanyang anak na si Amelita.

5.     

L K A A M A A N
 
Silang magkakapatid ay nakatapos lahat ng
kurso dahil sa dunong nila.










GAWAIN 1 B

Panuto:  Piliin sa loob ng kahon ang mga angkop na kasingkahulugan ng salita at gamitin ang 
                mga ito sa pangungusap.

 


Oval: HAPISOval: GALIT           


Rounded Rectangle: Pagpipiliang Sagot:
pighati  alaala  guniguni salamisim
muhi  naalis  dalamhati lumbay
ngitngit lungkot naglaho nabura
poot  nawala  yamot  larawan sa  isipan


















GAWAIN 2A
Pangalan: ________________________________________

Panuto: Ibigay ang hinihinging graphic organizer sa ibaba.




































GAWAIN 2B

Panuto:  Sa mga pahayag na sinipi mula sa akda, bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na 

                pahiwatig.


1.      Napansin ni Aling Rosa ang pagtigas ng kalamnan sa mukha ni Amelita.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
            _______________________________________________________________________
           

2.      Trabahong alipin ang ginagawa.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
            _______________________________________________________________________


3.      Ang katalinuhang kumikislap sa mga mata ay pinatitingkad ng mga salit na pilak sa buhok.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________


No comments:

Post a Comment