MITO
SI AIREN AT ANG
PITONG KULOG
Sa isang liblib na
bundok sa hilagang bahagi ng Luzon, may mag-asawang ibig na ibig magkaroon ng
anak. Sa tuwinaý nag-aalay sila ng handog sa kinikilala nilang Diyos upang
hilinging mabigyan sila ng anak. Hindi nga nagtagal, dininig ng Bathala ang
kanilang mga panalangin.
Isang dapithapon, habang
nagsasagawa ng kanilang ritwal ang mag-asawa, nakarinig sila ng kulog – kulog
na dumadagundong at lumulukob sa kanila. Maya-maya paý nakita nila ang isang
putting ipuipo na nagpaikot-ikot sa kanilang kinalalagyan. Kapagkuwaý bigla
itong naglaho at sa mismong pinaglahuan nitoý naroon ang isang malusog na
sanggol na lalaki. Nagulat man ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan, wala
silang pagsidlan ng kaligayahan dahil sa wakas ay dininig ng Bathala ang
kanilang panalangin. Kinuha nila ang bata at inuring parang tunay na anak.
Pinangalanan nila itong Airen.
Mula pa sa pagkabataý
malikot na at pasaway ang batang si Airen. Anuman ang naisin nitong gawin ay
ginagawa niya nang hindi inaalintana ang payo ng kanyang mga magulang. Batid
niyang hindi siya tunay na anak ng mag-asawa at batid niyang mayroon siyang
natatanging kapangyarihan. Nagagawa niyang lumipad, napapagalaw niya ang mga
puno, nauutusan niya ang hangin – lahat, nagagawa niya dahil hindi siya isang
ordinaryong bata.
Isang araw, habang
siylaý namumundok kasama ang kanyang tatay Teroy, hindi na napigilan ni Airen
ang sarili. Dahil sa sobrang pagod na nararamdaman sa kanyang pag-akyat sa
bundok, lumipad siya sa paupong posisyon. Nagalit ang kanyang tatay Teroy sa
ginawa niya dahil natatakot itong baka may makakita rito na mga mangangaso. Mula
noon, hindi nasiya nito isinasama sa pangunguha ng kahoy. Naiiwan na lamang
siya sa bahay kasama ang inayBelay niya.
Sa bahay naman, inutusan
siya ng kanyang inay na manguha ng bunga ng kalabasa sa may likod-bahay. Dahil
tinatamad ang batang si Airen, inutusan niya ang hangin na siya na lamang
kumuha ng ipinakukuha ng kanyang inay para sa kanya. At ganun nga ang nangyari.
Muli, sa kanyang ginawa, nagalit ang inay Belay niya sa kanya dahil napakatamad
daw niya.
Hindi na napigilan ni
Airen ang sarili. Umalis siya ng bahay at naisipang lumayo na lamang dahil
pakiramdam niya, para siyang sinasakal dahil hindi man lang niya magawa ang
gusto niyang gawin sa kanyang kapangyarihan. Mula noon, mag-isa siyang
naglakbay at hindi na bumalik ng bahay.
Sa kanyang paglalakbay,
nakarating siya sa paanan ng isang mataas na bundok na kilala sa tawag na
Bundok Bumagyo. Umakyat siya hanggang sa tuktok niyon sa pamamagitan ng
paglipad. Nang makarating doon, nakilala niya ang pitong kulog.
“Sino ka?” tanong ng
kulog. Ang tinig nitoý parang nagmumula sa kawalan. Hindi niya mawari kung
nasaan.
“Ako si Airen” sagot
niya. “Ikaw, sino ka rin ba?”
Tawa ang nagging sagot
nito. “Ang lakas ng loob mong magtanong. Hindi mo ba alam na ako ang
kinatatakutan ng kahat?”
“Hindi kita nakikilala.
Pa’no ko masasabing nakakatakot ka kung hindi naman kita nakikita?” Sa sinabing
iyon ni Airen, biglang kumulog nang pagkalakas-lakas na halos mabingi na siya
sa lakas nito.
“Lapastangan! Hindi mo
nakikilala ang kinakalaban mo!” Pagkasabi’y biglang kumulog ng pitong beses at
kumidlat. Kung hindi siya kaagad nakailag ay baka natusta na nang buhay ang
batang si Airen. Dahil sa nangyari, tinapatan niya ang kapangyarihan ng pitong
kulog.
Inutusan niya ang hangin
upang pawiin ang ulap. Subalit, hindi natinag ang maitim na ulap na tumatakip
sa kanyang kinalalagyan. Bagkus, lalo pa nitong pinalakas ang kapangyarihan ng
pitong kulog.
Laking dismaya ng batang
si Airen dahil hindi niya napataob ang kalaban. Sa nasaksihan, nakitaan siya ng
takot. Kaya naman, nagalak ang pitong kulog dahil sa nakikitang reaksyon ni
Airen. Tumawa ang mga ito nang tumawa na parang nang-uuyam.
Inilabas ni Airen lahat
ng kapangyarihan – lahat ng nalalaman niya. Pinakilos niya ang mga punong
nakapalibot sa kanya upang mahawi ang ulap na lumulukob sa kanya. Tinawag niya
lahat ng mauutusan niya upang tulungan siya na malupil ang kanyang kaaway,
subalit hindi pa rin siya nanalo. Kumidlat at tinamaan ang mga puno at ang mga
ito’y nangasunog lahat.
Nanlulumong napasalampak
na lamang ang batang si Airen. Hindi niya mapigilan ang sariling umiyak dahil
sa nararanasan niya. Ang takot niya’y nanunuot sa kanyang kalamnan na humihimay
sa munting pag-asang pilit na sumisibol sa kanyang puso.at ang tawa ng pitong
kulog ay lumukob sa kanyang katauhan.
Maya-maya pa’y isang
nakagigimbal at nakabibinging tunog ang narinig. Kapagkuwa’y isang tinig na hindi
mawari kung saan nagmumula ang biglang umalingawngaw sa buong lugar.
“Itigil na ninyo ‘yan!
Ang utos ko sa inyo’y takutin lamang siya,” wika ng tinig sa pitong kulog. “Hindi
niyo siya maaaring saktan. Niwala kayong karapatan upang kantihin siya. Dahil
siya, ang batang ‘yan ang bugtong kong anak!” umaalingawngaw sa kawalan ang
tinig.
Sa narinig, napatingala
ang batang si Airen. Pagtataka ang bumalatay sa maamong mukha nito. Hindi siya
makapaniwala sa kanyang narinig, na ang tinig na naririnig niya ngayon ay ang
tinig ng kanyang ama.
“Ikaw ‘kamo ang aking
ama?” tanong ng batang si Airen.
“Ako nga Airen, anak ko.
Ikaw ay aking ibinigay sa mag-asawang Teroy at Belay dahil sa nakita kong buong
puso nilang pananampalataya at paniniwala sa akin. Ikaw ay aking ibinigay
sapagkat nais kong maranasan mo rin kung paano mamuhay na gaya ng mga tao upang
sa pagmamana mo sa aking trono, alam kong magiging isa kang mabuting pinuno.”
Nang-aarok na wika ng tinig. “Subalit, sa aking mga nakita, sa palagay ko’y
nabigo ako. Nagkamali nga ba ako sa aking desisyon, Airen? Dahil hindi mo
nagawangpatunayan ito sa akin. Paano ko masisigurong magiging mabisa kang
pinuno kung hindi ka man lang marunong sumunod sa mga kinikilala mong mga
magulang? Na sarili mo lang ang iyong iniintindi?”
Napatungo na lamang ang
batang si Airen. Batid niyang tama ang sinabi ng kanyang amang Bathala. “Patawad,
aking ama. Patawarin mo po ako.” Napapaiyak na wika niya.
“Bakit ka sa akin
humihingi ng tawad?” At ipinakita sa kanya ang kasalukuyang ginagawa ng mga
kinikilala niyang mga magulang – nag-aabang at naghihintay sa kanyang
pagbabalik. “Sila, sa kanila ka dapat humingi ng tawad, anak ko.”
Sa nakita, bumulahaw ng
iyak ang batang si Airen. “Ama ko, kung inyo po akong bibigyang muli ng pagkakataon,
ipinapangako ko po na susunod na ako sa kanila. Nalalaman niyo po, hindi ko man
po sila tunay na mga magulang, batid niyo po kung gaano ko sila kamahal.”
“Kung gayon, anak ko,
humayo ka. Bumalik ka sa kanila. Sila’y sabik na sabik na sa ‘yong pagbabalik.”
“Opo, aking ama. At
salamat pos a pagmulat mo sa akin!” At pagkasabi niyon ay lumipad siya at
bumalik sa kanilang bahay. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng kanyang mga
magulang sa sabik na naghintay sa kanyang pagbabalik. Ang batang si Airen ay
humingi ng tawad sa kanila at nangakong magiging masunurin na itong anak. –O
WAKAS
PABULA
SI PARUPARO AT SI BUBUYOG
Sa isang malawak na hardin, malayo sa
kabihasnan, nakatira ang magkaibigang Bubuyo at Paruparo. Mula pa sa pagsilang
hanggang sa sila’y lumaki ay sila na ang magkasama. Subalit, lubos silang
magkaiba ng ugali. Si Paruparo ay mapagbiro at masayahin, samantala, si Bubuyog
ay parang laging seryoso. Kaya naman, hindi maikakatwang higit na kinagigiliwan
ng lahat si Paruparo. Dahil ditto, nagkaroon ng luhim nag alit at inis si
Bubuyog sa kaibigan niyang si Paruparo.
Isang araw, habang
naglilibot si Bubuyog sa malawak na hardin, narinig niya ang mga mahinang
tawanan sa di-kalayuan. Hindi niya alam kung saan ito nagmula. Lumipad siya
nang lumipad hanggang sa makarating siya sa may tabi ng batis. Soon, nakita
niya ang kaibigan niyang si Paruparo habang masayang nakikipagkwentuhan sa mga
dalagang bulaklak na sina Rosas, Santan, at Yellow Bell. Tawa nang tawa ang mga
ito sa mga biro ni Paruparo. Sa nasaksihan, lalong nagalit at nadagdagan ang
inis ni Bubuyog sa kanyang kaibigan. Paalis n asana si Bubuyog nang makita siya
ni Paruparo. Tinawag siya nito subalit hindi niya ito pinansin. Walang lingon-likod
na nilisan niya ang lugar na iyon. Subalit, hinabol siya ni Paruparo.
“Kaibigan Bubuyog,
sandal,” tawag ni Paruparo sa kanya.
Nilingon niya ito at
nakita niyang para na itong malalagutan ng hininga sa pagod dahil sa paghabol
nito sa kanya. Sa nasaksihan, napangiti si Bubuyog at nasabi sa sariling: “Hmp,
tingnan mo nga naman. May kahinaan din pala siya sa akin,” wika niyang
nasisiyahan sa sarili. “Higit pala akong mabilis lumipad kaysa sa kanya.”
“Bakit parang Masaya ka
ngayon, kaibigang Bubuyog?” tanong ni Paruparo habang habol nito ang hininga
nang makalapit na.
“A, wala. Ba’t mo naman
nasabi?” balik-tanong niya ditto.
“Nakangiti ka kasi, eh.
Maaari mo bang ibahagi kung ano ang nagpapasaya sa ‘yo, kaibigan?” tanong uli
ni Paruparo.
“Wala,” saka tinalikuran
si Paruparo at mabilis lumipad palayo. “Sandali, hintayin mo naman ako!”
narinig pa niyang sabi ni Paruparo.
“Hmp, sige, habulin mo
ako. Tingnan ko lang kung makakahabol ka,” sabi ni Bubuyog sa sarili at
binilisan pa ang paglipad.
Nang
sa tingin niya’y nakalayo na siya kay Paruparo, tumigil siya at hinintay ito.
Subalit, taliwas sa kanyang inaasahan, hindi nangyari ang iniisip niya.
Nang hindi niya mahintay
si Paruparo, dali-dali siyang bumalik sa pinanggalingan. At doon, nakita niyang
nakikipagbiruan si Paruparo sa mga bulaklak na nadaanan nito.
“Naku, naggagandahang
mga bulaklak, ako’y aalis na at hahabulin ko pa ang kaibigan kong si Bubuyog,”
saad ni Paruparo sabay talikod. Nagulat siya nang pagtalikod niyaý naroon si
Bubuyog. Napansin niyang mukha itong galit.
“O, kaibigang Bubuyog,
‘andyan ka pala. Akala ko iniwan mo na ako,” saka tatawa-tawang lumapit ditto,
subalit agad naman siyang tinalikuran nito.
“Kaibigang Bubuyog,
bakit?” nagtatakang tanong ni Paruparo sa nagging asal ni Bubuyog ngunit hindi
siya nito sinagot. “May nagawa ba akong kasalanan sa ‘yo?”
“Oo, marami!” pabulyaw
na saad ni Bubuyog. “Marami kang kasalanan sa ‘kin,” saad nito nang hindi
tumitingin kay Paruparo. “Alam mo bang nakakainis ka na, ha? Bakit, sino ka ba?
Kung umasta ka, parang ikaw na lang ang magaling. Bakit, ano ba ang naitutulong
mo? Ano ba ang silbi mo? Wala naman, dib a?”
“Kaibigang Bubuyog, ano
bang pinagsasabi mo?”
“Totoo! Lagi na lang
ikaw ang magaling!” at hinarap niya ang mga bulaklak na maang na nakatingin sa
kanila. “Kayo? Ano ba ang naitutulong nito sa inyo? Pinapatawa? Binibiro?
Bakit, sapat ba ‘yon? Wala naman siyang naitutulong sa inyo!”
“Kaibigang Bubuyog, tama
na!”
“Tumigil ka, Paruparo.
Totoo naman ang sinasabi ko. Ako, kami ng mga kalahi ko ang higit na
nakakatulong sa kanila! Kung wala kami, hindi sila darami. Ikaw, may nagagawa
bang gano’n? Wala! Dahil ang alam mo lang gawin ay lumigid-ligid sa kanila at
sabihan sila ng kung anu-ano para magiliw sila sa ‘yo. Dahil ang totoo, wala
kang silbi!”
“Ang sakit mo naming
magsalita,” nasasaktang wika ni Paruparo. “Oo nga’t hindi nagagawa ng lahi
naming ang kaya ninyong gawin ay wala na kaming silbi. Huwag mong isiping mas
mabuti kayo kaysa sa iba. Huwag mong isiping mas nakakatulong ka sa kanila
dahil lahat tayo ay nilikha nang may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan. Kaya,
huwag mong mamatain at mamaliitin ang magagawa namin!”
Sa sinabing iyon ni
Paruparo ay parang napahiya si Bubuyog sa kanyang sarili. At para mapagtakpan
ang pagkapahiya, umalis siya sa lugar na iyon nang lulumo-lumo dahil batid
niyang totoo lahat ng sinabi ni Paruparo.
Malapit na siya sa may
kakahuyan nang bigla na lang siyang nakulong sa isang parang bilog na supot. At
ditto, natanto niyang nahuli siya ng mga taong nanghuhuli ng Bubuyog upang
makagawa ng pulot (honey). Walang
nagawa ang kaawa-awang Bubuyog. Nanlulumo siya dahil hindi man lang siya
nakahingi ng tawad sa kanyang kaibigang si Paruparo.
WAKAS
No comments:
Post a Comment